Ang malikhaing pagsusulat ay anumang pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan ng karaniwang prupesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pangpagsasalaysay, pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan. Dahil sa kaluwagan ng kahulugan, maaari para sa pagsusulat na katulad ng mga tampok na kuwento upang maituring bilang malikhaing pagsusulat, bagaman nakapailalim ang mga ito sa pamamahayag, dahil sa ang nilalaman ng mga tampok ay tiyakang nakatuon sa pagsasalaysay at pagpapaunlad ng tauhan. Ang mga akdang kathang-isip at hindi kathang-isip ay kapwa sumasailalim sa ganitong kategorya, kasama na ang mga anyong katulad ng mga akdang-buhay, mga talambuhay, mga maiikling kuwento, at mga tula.
Ang
tula ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong naman ay binubuo ng
mga taludtod. Ang tula ay isang anyong pampanitikan na nagpapahayag ng damdamin
at mga bagay na nasa isip ng manunulat gamit ang mga salitang maririkit at
matalinhaga.
Halimbawa ng tula
Gawa ni : Kyla YarraAng
mga sumusunod ay kabilang sa tula:
v RITMO
§ Ang
ritmo ay karaniwang natatagpuan sa tula at maaari rin itong matagouan sa ilang
akdang drama at prosa. Ito ay pattern ng stress at unstressed beats
§ Ito
ay ang sinusukat na daloy ng mga salita at parirala tulad ng sinusukat ng
kaugnayan ng mahaba at maikli o stress at hindi nabibigkas na pantig.
v
METRO
§ Ito
ang namamahala sa mga numero at pag-aayos ng mga pantig sa bawat linya.
Mga
Elemento ng Tula
v
SUKAT
Ang sukat ay ang bilang ng pantig ng
bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig naman ay tumutukoy sa paraan
ng pagbasa.
Halimbawa:
Halaman – ha la man – ito ay may
tatlong pantig
Karagatan – ka ra ga tan – ito ay may
apat na pantig
Ang sukat ay may apat na uri, ito ay
ang mga sumusunod:
Wawaluhin – walong pantig
Lalabindalawahin – sandosenang pantig
Lalabing-animin – labing-anim na
pantig
Lalabing-waluhin
– labing-walong pantig
v SAKNONG
Ito ay grupo sa loob ng isang tula na may
dalawa o maraming linya (taludtod).
• 2 na taludtod – couplet
• 3 na taludtod – tercet
• 4 na taludtod – quatrain
• 5 na taludtod – quintet
• 6 na taludtod – sestet
• 7 na taludtod – septet
• 8 na taludtod – octave
v TUGMA
Ang tula ay sinasabing may tugma kapag
ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing tunong. Ito
ay nakakaganda sa pagbigkas ng tula. Nagbibigay ito ng himig at indayog sa
tula.
Ang tugma ay may apat na uri, ito ay
ang mga sumusunod:
Tugmang Ganap (Patinig)
Halimbawa:
Mahirap sumaya,
Ang taong may sala
Tugmang Di-Ganap (Katinig)
a. Unang
Lipon-b,k,d,g,p,s,t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. Ikalawang
Lipon-l,m,n,ng,r,w,y
Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matignan ang sikat ng araw
v KARIKTAN
Ito ay ang mga salitang maririkit upang
mapukaw ang atensyon at mapasaya ang mga mambabasa.
Halimbawa:
Maganda – marikit
Mahirap – dukha, maralita
DULA
Ang
Dula ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang
gawin o ikilos. Ito ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas
sa tanghalan.
Ayon
kay Aristotle, ito ay isang imitasyon o panggagagad ng buhay.
Ayon
kay Rubel, ito ay isa sa maraming paraan ng pagkukwento.
Ayon
kay Sauco, ito ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang
mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang
aspekto nito.
Ayon
naman kanila Schiller at Madame De Staele, ito ay isang uri ng
akdang may malaking bisa sa diwa at ugali ng isang bayan.
Kahalagahan
ng Dula
Tulad
ng iba pang mga panitikan, karamihan sa dulang itinatanghal ay hango sa totoong
buhay. Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao
at suliranin. Inilalarawan ng dula ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa
partikular na bahagi ng kasaysayan ng bayan.
Mga
Sangkap ng Dula
Simula
-Tauhan
-Tagpuan
-Sulyap
sa suliranin
Gitna
-Saglit
sa kasiglahan
-Tunggalian
-Kasukdulan
Wakas
-Kakalasan
-Kalutasan
AKTOR
Sila
ang gumaganap at nagsasabuhay ng mga tauhan sa iskrip.
ISKRIP
Ito
ang kaluluwa ng akda. Dito nakasulat ang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari
sa kwento.
DAYALOGO
Ito
ang mga binibitawang linya ng aktor para maipakita ang emosyon sa mga manonood.
DIREKTOR
Siya
ang nagpapakahulugan sa iskrip. Ang nagi-interpret ng iskrip at nagpapasya ng
mga kakailanganin gaya ng damit ng tauhan, lugar ng tagpuan at maging sa paraan
ng pagganap at pagbigkas ng mga dayalogo ng tauhan.
MANONOOD
Ang
mga manonood ang karaniwang target ng pagtatanghal ng isang dula.
TANGHALAN
Ito
ang lugar kung saan itatanghal ang isang dula.
TEMA
Ito
ang pinapaksa ng dula.
MGA
BAHAGI NG DULA
YUGTO
(ACT)
Ito
ang pagkakahati-hati ng isang dula, kumbaga sa nobela ito ay kabanata.
EKSENA
(SCENE)
Ito
ang bumubuo sa yugto. Ito ang mga pangyayari sa dula.
TAGPO
(FRAME)
Ito
ang paglabas o pagpasok ng kung sino mang tauhang gaganap sa isang eksena.
MGA
URI NG DULA
Ang
dula ay mayroong iba’t ibang uri. Ito ay ang Komedya, kung saan puro
katatawanan ang tema. Trahedya, ang eksena dito’y karaniwang malungkot
at minsan ang mga bida’y namamatay o nabibigo. Parsa, Kapag puro tawanan
at walang saysay ang kwento, at ang mga aksyoon ay puro “Slapstick” na walang
ibang ginawa kundi magpaluan at maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan. Parodya,
Kapag mapanudyo, ginagaya ang kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at
pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo, pamumuna o kaya ay
pambabatikos na katawa-tawa ngunit nakakasakit ng damdamin ng pinauukulan. Proberbyo,
Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain,
ang kwento ay pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.
Dula
sa Panahon ng mga Kastila
v SENAKULO
v PANULUYAN
v SALUBONG
v TIBAG
Panulaan/ tula
Ang panulaan o tula ay
isang uri ng sining at panitikan na
kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo.
Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga
likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang tula
sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling
salita.
Binubuo ang tula ng saknong at
taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at
lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma
at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.
Iba't ibang anyo ng Kathang-isip
5 Uri ng
panulaan o tula
Maikli
Liriko o
Pandamdamin
Pagsalaysay
Dula
Patnigan
MAIKLI
Tinawag na
maikli ang uri ng ganitong tula sapagkat binubuo lamang ang mga ito ng isang
saknong na may tatlo hanggang limang taludtod.
Halimbawa: Ang mga sumusunod na halimbawa ay mga gawa ni Matthew Gonzales
TANAGA - Ang tanaga
ay binubuo ito ng isang saknong
na nahahati sa
apat na taludtod sa sukat na 7-7-7-7 at
may tugmaang AAAA.
TANKA
-Nagmula ito sa bansang Hapon, na binubuo ng 31 pantig ang isang saknong.
Nahahati ito sa limang taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7.
HAIKU
- Isa sa mga pinakakilalang anyo ng maikling tula at nagmula rin sa bansang
Hapon, binubuo ito ng tatlong taludtod na may sukat na 5-7-5.
LIRIKO O PANDAMDAMIN
Mula sa pangalan ng uri, ito ay sumasalamin
lamang sa damdamin ng makata o sumusulat ng tula. Walang anumang konsiderasyon
sa pagsulat nito ngunit ang damdamin o emosyon lamang ng sumusulat.
HALIMBAWA:
•Awit
•Dalit o Himno
•Elehiya
•Oda
•Pastoral
•Soneto
AWIT
- tungkol sa pag-ibig
DALIT O HIMNO - tungkol
sa pagpapala at
pagpupuri sa
Diyos.
ELEHIYA - Isang uri naman ng malungkot at pagdadalamhating babasahin ang elehiya. Ito ay tulang damdamin na may temang kamatayan o pagluluksa.
ODA
- Nakatuon naman sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay, o
anumang elemento ang oda.
PASTORAL - tungkol sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao,kaugnay ng pangingisda, pagsasaka, pagpapastol, at iba pa.
SONETO - binubuo ng labing-apat na taludtod, na ang mga pahayag ay may kaakibat na matinding damdaming bunga ng mabigat na pagkukuro-kurong isinaad ng akda.
PASALAYSAY
Isang uri ng tula na nagsasalaysay ng
mga pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod. Naglalahad ito ng mga tagpo o
pangyayari.
HALIMBAWA:
•Epiko
•Korido
•Tulagunam
•Tulasinta
EPIKO - Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan. At makabuluhang kaganapang napapaloob sa isang lahi o bansa.
KORIDO - Mayroon itong sukat na wawaluhin at tumatalakay sa mga alamat o kuwentong may impluwensiya ng mga bansa mula sa Europa.
TULAGUNAM - Ito'y isang uri ng tulang pasalaysay na habang inaawit ay sinasaliwan sa sayaw.
TULASINTA – ito ay isang uri ng damdamin ng isang tao, o
maaari ding sa isang bahagi ng buhay nito, na isinasalaysay sa pamamagitan ng
tula gamit ang payak, tapat, at makatotohanang paraan ng paglalahad.
DULA
Isa itong uri
ng tulang may layong isadula o itanghal sa entabladong sasaksihan ng mga
tagapanood.
HALIMBAWA:
•Kalunos-lunos
•Katatawanan
•Katawa-tawang
Kalunos-lunos
•Liriko-Dramatiko
•Madamdamin
(Melodrama)
•Mag-isang
Salaysay
•Parsa (
Farce)
KALUNOS-LUNOS - Tumatalakay ito sa pakikipagtunggali at
pagkasawi ng isang pangunahing tauhan laban sa isang malakas na higit na
makapangyarihan tulad ng tadhana.
KATATAWANAN - isang dulang pangunahing layunin ay mag-dulot
ng katatawanan sa mgatagapanood.
KATAWA- TAWANG KALUNOS- LUNOS - katawa-tawa ang pamamaraan ng
panulat ngunit madalas na nagtatapos ang tagpo nito sa kalunos-lunos na
pangyayari.
LIRIKO – DRAMATIKO - taglay nito ang kawilihan sa mga kalagayan,
kilos, at damdaming ipinapahayag.
MADAMDAMIN ( MELODRAMA )– Ito ay dulang patula na nakaukol sa
paglalarawan ng galaw na may kaakibat na matinding damdamin.
MAG-ISANG SALAYSAY - tampok dito ang isang taong nagsasadula ng tula
mula simula hanggang wakas.
PARSA - tampok dito ang mga eksaheradong linya, galaw ng mga tauhan, at tagpo, at nangangailangan ng mahusay na pagtatanghal ng mga nagsisiganap.
PATNIGAN
Ang tulang patnigan ay isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng pangagatwiran at matalas na pag- iisip.
HALIMBAWA:
•Balagtasan
•Batutian
•Duplo
•Karagatan
BALAGTASAN - Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli.
BATUTIAN – Ang batutian ay isang uri ng tulang patnigan
na hinango sa balagtasan. Ipinangalan ito sa kinikilalang " Unang
Hari ng Balagtasan", si jose corazon de jesus (Huseng Batute).
ginagawa ito sa mga lamayan upang libangin ang mga tao. Naglalaman ito ng katatawanan
ngunit may kasama ring katotohanan.
DUPLO – ito ay Hango sa mga kasabihan, salawikain, at berso sa Bibliya ang inihahayag ng magkatunggaling makata, na nagpapagalingan sa pagbigkas at pagbibigay-katwiran ng kanilang panig.
KARAGATAN - Ang tulang ito ay ginagamit sa laro. Kadalasan
itong ginaganap sa namatayan o may lamay at may matandang tutula ukol sa paksa
ng laro. Ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesa na nahulugan ng
singsing habang siya'y naglalakbay sa karagatan . Kung sino man ang makakita ng
singsing ay siyang mapapakasalan ng prinsesa.
MAIKLING KWENTO
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog.
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
Noong panahon ng mga
Amerikano, tinawag din na “dagli” ang maikling kwento at ginagawa itong
libangan ng mga sundalo. Mga Elemento ng Maikling Kwento Mayroong labing-isang
elemento ang maikling kwento.
Halimbawa ng maikling kwento ni Matthew Gonzales
Elemento ng Maikling Kwento
Mayroong labing-isang
elemento ang maikling kwento.
1. Panimula
- dito nakasalalay ang kawilihan ng mga
mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
2. Saglit na Kasiglahan
- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng
mga tauhang masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin
- Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng
tauhan o mga tauhan sa kwento. 4. Tunggalian Ang tunggalian ay may apat na uri:
● Tao laban sa tao
● Tao laban sa sarili
● Tao laban sa lipunan
● Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
5. Kasukdulan
- nakakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan
- Ito ang tulay sa wakas ng kwento.
7. Wakas
- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng
kwento.
8. Tagpuan
- Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan
ng mga aksyon o mga insidente.Kasama din dito ang panahon kung kailan naganap
ang kwento.
9. Paksang Diwa
- Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
10. Kaisipan
- Ito naman ang mensahe ng kwento.
11. Banghay
- Mga
Bahagi ng Maikling Kwento Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi. Ito ay ang
Simula, Gitna at Wakas.
❏ Simula- Kabilang sa simula ang mga tauhan,
tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap
sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida,
kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan
ng mga aksyon o mga insidente kasama na dito ang panahon kung kailan naganap
ang kwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang
haharapin ng pangunahing tauhan.
❏ Gitna-
ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang
saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
❏ Wakas- ay binubuo ng kakalasan at
katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng
takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan
ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
No comments:
Post a Comment